Angelica Jane Yap wants to work with Coco Martin

Pastillas Girl officially enters showbiz as a Viva contract star.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

1/11/2016 2:47 AM
Angelica Jane Yap wants to work with Coco Martin


01116-AngelicaYap_PUSH.jpgTuluy-tuloy na sa pag-aartista si Angelica Yap a.k.a. Pastillas Girl noon ng It’s Showtime. Dati siyang nagtatrabaho sa call center pero nag-resign sa trabaho para makapag-concentrate sa show.

Si Angelica ang panganay sa tatlong magkakapatid at ngayong wala na ang kanilang ina, na binaril ng riding in tandem a month ago, siya na ang kailangang umako ng responsibilidad sa kanyang mga kapatid.

Ayon kay Angelica na pumirma na rin ng kontrata sa Viva Artist Agency, nasa NBI pa rin daw ang kaso ito at hindi pa rin nahuhuli ang gumawa ng krimen sa kanyang ina.

“May mga suspect po pero hindi po kasi ako nagsampa ng kaso. Police po ang nagsampa. Kasi po, wala pong matibay na ebidensya,” kuwento ng dalaga.

Dumaan sa katakut-takot na pamba-bash sa social media, pinatay ang nanay, pero ngayon ay contract star na ng VAA si Angelica. Ano ba ang kanyang nararamdaman sa mga pinagdaanan niya bago napasok ang showbiz?

“Bashing, tapos namatay si Mommy. Minsan, may mga iniisip ako na ‘paano kaya kung hindi ito nangyari, buhay pa kaya siya?’ Or ano kayang ginagawa ko ngayon kung wala...

“Pero sobrang bilis, as in parang naging blessing ’yung career, kasi tama naman po, ’di ba? Ang hirap-hirap po talagang pumasok sa showbiz. Kahit ako po noon, parang ‘sus, imposible naman ’to,’” wika pa niya.

Hindi rin niya inakala na kung ano ang saya niya noon sa It’s Showtime, mapapalitan agad ng lungkot sa trahedyang nangyari sa ina.

“Ang dami pa rin nilang sinasabi na ‘deserved mo na nangyari sa ’yo ’yan.’ Masakit kasi may pinagdadaanan ka na na ganu’n, tapos makakarinig ka pa (ng mga ganu’n),” himutok niya.

Wala pang project si Angelica sa Viva at gusto raw muna niyang mag-workshop sa acting bago sumabak sa TV o pelikula.

If ever na papipiliin naman daw siya kung sino ang gusto niyang maging leading man, iisa lang ang wish niya.

"Gusto ko siyempre si Coco. Crush ko siya at kung mabibigyan ng pagkakataon, gusto ko talaga siyang makatrabaho,” say pa niya.