• Home
  • Fresh Scoops
  • Cristine Reyes shares lesson learned from rift with another actress

Cristine Reyes shares lesson learned from rift with another actress

Cristine Reyes says sometimes it’s better to keep quiet on issues.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

4/2/2016 10:00 AM
Cristine Reyes shares lesson learned from rift with another actress


040216-cristine_main.jpgBida si Cristine Reyes sa horror movie na Elemento ng Viva Entertainment. Sa media conference para sa pelikula na ipapalabas na sa April 6, nagbigay reaction si Cristine sa pinagdaanang issue ng di nila pagkaka-intindihan ng kasamang aktres na si Vivian Velez sa set ng teleseryeng Tubig At Langis. Ibinahagi rin ni Cristine ang kanyang natutunan sa pinagdaanan.

"I am blessed to have people around me who love me and support me. Sometimes po talaga it is better to be quiet."

Maayos naman daw ang turingan nila sa set ng teleseryeng Tubig At Langis mayroon daw silang viber group at regular na nagkakausap kahit hindi nagkikita kita. Naitanong kay Cristine kung willing pa ba siyang maka trabaho muli si Vivian Velez sa future projects.

"Siguro po tubig at langis na kami."

Marami ng horror movie na nagawa si Cristine pero kakaiba daw ang naging atake ni direk Mark Meily kaya’t iba rin ang naging timpla ng kanilang mga eksena.

"Ang challenge sa akin dito yung kung paano ko tatakutin ang sarili ko sa bawat eksena kasi first time ko pa lang nabasa ang script nagandahan na ako and iba ang sistema ni direk noong ginagawa namin ang project."

Kasama rin sa pelikula ang child actor na si Albert Silos at Jake Cuenca, hindi nakadalo si Jake sa presscon dahil kasalukuyan itong nasa Amerika at nag-aaral.