• Home
  • Fresh Scoops
  • 'Ang Hindi Nakikitang Pakpak' by Rita Avila now a stage Musical

'Ang Hindi Nakikitang Pakpak' by Rita Avila now a stage Musical

Masayang ibinalita ni Rita na ang kanyang akdang libro na Ang Hindi nakikitang pakpak ay mapapanuod na sa stage.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

8/12/2016 10:32 AM
'Ang Hindi Nakikitang Pakpak' by Rita Avila now a stage Musical


081116-RitaAvila_PUSH.jpgSa pocket press conference na binuo ng malalapit na kaibigan ng Aktres na si Rita Avila sa Salu Restaurant, masayang ibinalita ni Rita na ang kanyang akdang libro na Ang Hindi nakikitang pakpak o ang (THE INVISIBLE WING) ay mapapanuod na sa stage.

Mas lalong naging espesyal ang librong ito para kay Rita dahil sa mga papuring natanggap nito sa mga mambabasa at papuri mula sa Vatican ng minsan niya itong Ipadala sa santo papa na si pope Francis.

"Parang di ko in expect that he will write me back ano ba naman ang book ko para pansinin sa vatican"

Labis na nag pasaya sa aktres ang liham ng Panalangin na galing mismo Kay Pope Francis para sa kanyang mga ginagawa at para Sa kanilang mag asawa.

"We got two letters from him una iyung ipag pray nya kami ng asawa ko tapos iyung second iyun nga parang happy siya for me.

Nilalayon din ni Rita na muling humukin ang mga kabataan na ibalik ang interest sa pag babasa

"Basic yan eh reading stimulates the mind kasi if they dont read anymore they stop imagining ang mga bata ngayon puro techy techy na parang wala sa sarili they dont talk anymore"

Mag uumpisang mapanuod ang ANG HINDI NAKIKITANG PAKPAK the musicale simula October 20-22 at October 27-29 sa St. Scholastica's College Manila.