• Home
  • Fresh Scoops
  • Bakit hindi ‘tinodo’ ni Elsa Droga ang pagpaparetoke niya?

Bakit hindi ‘tinodo’ ni Elsa Droga ang pagpaparetoke niya?

“Sabi nila sa’kin, gagawin daw akong parang Xander Ford,” ipinaliwanag ni Elsa Droga kung bakit hindi niya gustong ipabago nang tuluyan ang kaniyang itsura.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/8/2018 2:09 PM
Bakit hindi ‘tinodo’ ni Elsa Droga ang pagpaparetoke niya?


Photo credit: @elsa_droga on IG (R)

Ikinuwento ng Miss Q and A grand finalist na si Elsa Droga sa episode ng Magandang Buhay kahapon, November 7, ang dahilan kung bakit hindi niya tinuloy ang pagbabago ng kanyang itsura sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng programang Rated K. “After ng Rated K ko kay Madam Korina (Sanchez), sabi nila sa’kin, gagawin daw akong parang Xander Ford. Sabi ko, ‘Ay ayoko no’n, parang hindi na ako si Elsa no’n pag nagmukha na akong manika,’ kwento niya.
 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Gandang ganda ako teh!!!😇😘

A post shared by Elsa Droga Mendoza (@elsa_droga) on

 
“Nung una napaisip ako, sabi ko, ‘Ay gaganda ako, mukha na akong barbie. Barbie-que,’” biro pa ni Elsa.
 
Ayon sa kanya, mas pinili niyang hindi baguhin dahil mas ramdam niya ang pagmamahal ng mga tao sa kanya sa itsura niya ngayon. “Pero naisip ko, ayoko kasi mas minahal ako ng mga tao sa ganitong itsura ko. Kasi kung papalitan ko ito at mamatay ako, ang pangit naman kung titignan nila ako, ‘Ay, hindi naman si Elsa ‘yan, e,’” dagdag ng Miss Q and A finalist.
 


 
“Kaya mas magandang mahalin mo ‘yung sarili mong pagkatao kasi mas maraming magmamahal sa’yo,” huling pahayag ni Elsa.
 
Isa si Elsa Droga sa mga lumaban sa unang season ng gay beauty pageant ng It’s Showtime na Miss Q and A kung saan itinanghal si Juliana Parizcova Segovia bilang grand winner.