• Home
  • Fresh Scoops
  • Sam Milby on being more than friends with Angelica Panganiban: ‘There’s always a chance…’

Sam Milby on being more than friends with Angelica Panganiban: ‘There’s always a chance…’

Sam Milby, sinabi kung paano siya nagmu-move on sa breakup nila ni Mari Jasmine.

BY CRISTINA MALONZO-BALANE

Follow me on ig and tw: @kwentoph

FRESH SCOOPS

3/6/2018 9:38 AM
Sam Milby on being more than friends with Angelica Panganiban: ‘There’s always a chance…’


 

Sa Push Now Na, sinagot ni Sam Milby ang mga tanong tungkol sa breakup niya sa model girlfriend na si Mari Jasmine.

Hindi pa diumano ready si Sam mag-commit sa isang bagong relationship. “Kahit ako hindi pa ako ready. (I’m) getting through a breakup and (I’m) working on myself personally. Kaya ako sobrang happy ako sa friendship namin ni Yassi (Pressman.) We really get along, great chemistry, we have a lot in common and mahilig din sa bikes…” 

Paano naman kaya ang ginagawang pag move on ni Sam? “I’m surrounding myself with really good friends and bikes help out a lot. I bought a new motorcycle. Nakakawala ng stress and I get to travel around a lot more and I don’t want to sound too spiritual either but I found a great church. I’m getting discipled and I’m working on my relationship with God and I think that’s what really helps me a lot.” 

Sarili daw muna ang iintindihin ngayon ni Sam dahil, “kasi parang ako yung laging naghahanap instead of working on myself muna…” 

Inamin din ni Sam na si Mari Jasmine ang nakipagbreak sa kanya. At giniit muli niya na walang third party sa hiwalayan nila. Pero kumusta naman kaya si Sam matapos ang breakup?  “I’ve accepted it. I’m okay. I think it would be a struggle if I saw her but that’s something different but I’m okay now.” 

Kumusta naman kaya sila ngayon ng kanyang ex? “We’re okay. Friends na in terms na nag-uusap kami, no. But are we okay? Yes.” 

Tinanong din si Sam kung may chance na maging sila ng kaibigan na si Angelica Panganiban. “We always joke around pag magkasama kami na parang sweet kami na parang kami yung couple but we’re just joking lang.” 

Pero wala kayang chance na ang joke ay mauwi sa totohanan? “Hindi ko masabi na hindi. There’s always a chance but right now we’re just really good friends.” 

Masaya diumano si Sam para sa mga kaibigan niya na kasal na at may pamilya na at pinagdadasal niya na yung next girlfriend niya ay magiging asawa na niya.