JC Santos at girlfriend, inaasahan na ang baby girl

Kinumpirma ni JC Santos na kasalukuyang walong buwang buntis na ang kaniyang non-showbiz girlfriend.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

1/17/2020 11:30 AM
JC Santos at girlfriend, inaasahan na ang baby girl


Masayang ibinalita ng On Vodka, Beers, and Regrets lead actor na si JC Santos na magiging ama na siya ng inaabangang baby girl nila ng kanyang non-showbiz girlfriend. Sa naganap na media conference para sa naturang pelikula, inamin ng aktor na isa ito sa mga dahilan ng kaniyang kasiyahan ngayon.

“Gusto kong alagaan agad,” nakangiting sagot ni JC nang tanungin kung anong ang pinaka kinae-excited niya sa pagiging ama.

May isang taon nang magkasintahan sina JC at ang kaniyang girlfriend, ayon sa aktor.

Maaalalang nagtapos ang relasyon ni JC sa dating ex-girlfriend noong 2018. Sa kaniyang interview sa Tonight With Boy Abunda, naging emosyonal ang aktor habang sinasagot ang mga isyu sa naging hiwalayan nila.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

MIRACLE IN CELL NO. 7 Philippine Version Gala Premiere #AldoShoes #AldoPhilippines #Aldo #aldocrew #MIRACLECELLNO7

A post shared by JC Santos (@j.c.santos) on

 

Sa ngayon, aabangan si JC sa bagong romantic drama movie na On Vodka, Beers, and Regrets, kung saan ay katambal niyang muli si Bela Padilla.