• Home
  • Fresh Scoops
  • Judy Ann Santos, ipinagluto ang mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal

Judy Ann Santos, ipinagluto ang mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal

Sa kabila ng kanyang hectic schedule, binigyang oras ng aktres na si Judy Ann Santos ang pagluluto para sa mga nasalanta ng patuloy na pag-alboroto ng Bulkang Taal.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

1/17/2020 5:51 PM
Judy Ann Santos, ipinagluto ang mga nasalanta ng pagputok ng Bulkang Taal


Photo credit: @ryan_agoncillo IG

Sa kabila ng kanyang hectic schedule, binigyang oras pa rin ng aktres na si Judy Ann Santos ang pagluluto para sa mga nasalanta ng patuloy na pag-alboroto ng Bulkang Taal.

Sa Instagram, ibinahagi ng “Starla” star na nagluto siya ng paksiw na baboy na ipapamahagi sa mahigit 1,000 indibidwal sa Batangas sa tulong ng kanyang asawa na si Ryan Agoncillo.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

always❤️

A post shared by Ryan Agoncillo (@ryan_agoncillo) on

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

TO GIVE & NOT TO COUNT THE COST. #ThisFamily #PureLove #Blessed

A post shared by Noel Ferrer (@iamnoelferrer) on

 

Bukod dito, magpapadala rin ang aktres ng towels, blankets at mga lumang damit mula sa kanyang mga kaibigan at kamag-anak na nag-donate din para sa mga apektado ng nasabing pagsabog.

Bukod kay Judy Ann, ilan pa sa mga celebrities na nagpaabot ng kanilang tulong ay sina Angel Locsin, Piolo Pascual, Karla Estrada, at Melai Cantiveros.