• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Karla Estrada, hindi napigilan ang kilig sa surprise Valentine’s greeting ng boyfriend

PANOORIN: Karla Estrada, hindi napigilan ang kilig sa surprise Valentine’s greeting ng boyfriend

Hindi na napigilang kiligin ni Karla Estrada nang sorpresahin siya ng Valentine’s greeting mula sa non-showbiz boyfriend.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

2/14/2020 1:38 PM
PANOORIN: Karla Estrada, hindi napigilan ang kilig sa surprise Valentine’s greeting ng boyfriend


Pinuno ng tukso ang momshie host na si Karla Estrada mula sa kaniyang mga co-hosts na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros, matapos itong kiligin sa sorpresang video greeting mula sa boyfriend na si Jam Ignacio.

"Lagi mong tatandaan na lagi akong nandito para sa'yo. Kasi it feels right when I'm with you. Tsaka alam ko naman na mata-fat ka naman palagi para sa akin e," sabi sa sweet Valentine's message ni Jam para kay Karla.

Ayon kay Karla, ito ang unang beses na magse-celebrate siya ng Valentine's Day na may inaasahang sorpresa mula sa partner.

"Actually first Valentine's Day ko na surprise. Oo [kinakabahan ako], kailangan hindi ko na pigilan ang mga nararamdaman ko na 'to, baka sakaling hindi na ito bumalik e. Damhin natin. Nadarama nga natin ang kalungkutan, ba't hindi natin damhin ang saya," pahayag ni Karla.

Hindi na idinetalye ni Karla ang magiging plano nila.

READ: Karla Estrada sa kaniyang mga ex: ‘Lahat ‘yon may closure’

READ: Karla Estrada, ‘bantay sarado’ ng anak na si Daniel Padilla

Samantala, nakatanggap din ng kaniya-kaniyang video greetings sina Jolina at Melai, mula sa kanilang mga asawa na sina Mark Escueta at Jason Francisco.

Ayon sa dalawang momshie hosts, may nakaplano rin silang selebrasyon para sa Valentine's Day.

"Ako naman siguro, sasabihin ko kay Mark na gumawa kami ng activities na mai-involve ang mga bata. Kunyari gagawa ng cards na pang-Valentines. Kasi gusto kong maramdaman nila na ang Valentine's Day ay puno ng pagmamahal," kuwento ni Jolina.