• Home
  • Fresh Scoops
  • Jewel Lobaton, hiling ang kaligtasan mula sa COVID-19 ng dalawang anak kay Sen. Koko Pimentel

Jewel Lobaton, hiling ang kaligtasan mula sa COVID-19 ng dalawang anak kay Sen. Koko Pimentel

March 13 daw huling beses nakausap ni Jewel Lobaton ang kanyang mga anak.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

3/26/2020 2:00 PM
Jewel Lobaton, hiling ang kaligtasan mula sa COVID-19 ng dalawang anak kay Sen. Koko Pimentel


Photo credit: @jewellobaton511 (L) and @senkokopimentel (R) IG

Labis labis na pag-alalaa ngayon ang nararamdaman ni 1998 Miss Universe Philippines na si Jewel May Lobaton para sa kanyang dalawang anak kay Senator Koko Pimentel.

Laman ngayon ng mga balita si Pimentel dahil sa kanyang naging tila kapabayaan matapos magpositibo sa Novel Corona Virus o COVID-19 para alalayan ang kanyang misis na manganganak sa Makati Medical Center.

READ: Senator Koko Pimentel tests positive for COVID-19

Dahil sa pangamba na pagkalat at pagkaka-expose ng mga tao sa paligid ng Senador, hindi lubos maisip ngayon ni Jewel ang sitwaston ng kanyang dalawang anak na kasalukuyan ngayong nasa pangangalaga ng Senador.

Bilang ina, hindi niya maipaliwanag ang kanyang pag-aalalang nararamdaman para sa dalawang menor de edad na anak.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Unconditional Love❤️ Merry Christmas❤️❤️❤️ Manong Martin and Akio, I love you so much.

A post shared by Jewel Lobaton (@jewellobaton511) on

It’s true na when your family is involved it’s another story. I’ve been quiet for many years, but now sabi ko, ‘I will do everything as a mother to make sure that my children are safe.’ Since I know that they were exposed during the time that na symptoms are there already,” pahayag ni Jewel sa atin.

Baon ang panalangin at pag-asa na maayos ang lagay ng kanyang dalawang anak, umaasa ang dating beauty queen na maipa-test ang kanyang mga anak na exposed sa kanilang amang senador na positibo sa COVID-19.

You know Jeff, kanina pa ako in my prayers, umiiyak na ako I trust the Lord that he will guide my path, my walk today, pero today, I want to make sure my children are tested, just that muna.”

Dahil sa limitadong panahon ng pagkikita, sinubukan na rin ni Jewel na hingan ng tulong ang mga kaibigan na nagmamalasakit at may kakayahan na kumpirmahin ang kalagayan ng kanyang mga anak.

Right now, hindi ko alam no, but I’m trying to ask my lawyers on temporary custody. Second, since naka self-quarantine sila, lahat naman tayo is PUM (Person Under Monitoring) I’m trying to reach out friends from the DOH to at least have them tested as early as now. I’m trying to reach out Mayor of Marikina, actually hindi ko alam, I’m thankful that there’s media and there’s a possibility that I can air out my concern about my children, kasi gusto ko na sila puntahan, gusto ko na sila makita pero siyempre I have to be careful also.”

March 13 pa umano ng huling beses na nakausap ni Jewel ang dalawang anak na edad 15 at 10 taon gulang. Kaya naman, ganun na lamang ang kanyang pag-aalala para sa mga ito.

Physically, hindi ko sila nakikita pareho and it is, a suffering that only a mother can understand… (crying) na kailangan ko tumahimik at hindi ko kailangan bulabugin ang set up dahil mahal ko ang mga anak ko,” emosyonal na sagot ni Jewel.

Dagdag pa niya, hindi din niya maiwasan na magalit sa tila naging kapabayaan ng ama ng kanyang mga anak.

“Yung difficulty lang na wala sila sa akin, how much more now na exposed sila, helplessness, worry, anxiety, sometimes rage and anger kaya I ask for forgiveness from God, sabi ko Lord forgive me nagalit ako because these adults should be responsible with their actions. Pero let’s say nagkamali, what will I do now na ako ang nanay ng mga anak ko at walang nag-aalaga sa kanila ngayon,” sabi pa niya.

So right now, I’m helpless and hopeful, to guide me on the next step na gagawin ko Jeff.”

Dala ng labis na pangamba sa kalagayan ng mga anak, hindi naman naiwasan na bumuhos ang luha ni Jewel ng hingan ng mensahe para sa mga anak.

“Martin, Akio, Mama is still looking for you. I’ve been praying for you to Jesus, I always, tell you to pray to Jesus if you can’t find a help anywhere. I love you so much and I only want the best for you, please take care of each other. I always tell them to love their parents, I always tell them to love the Lord and to love each other as brothers, and I hope you (Kids) take care of yourself. If anything or anything just call me, should they need a mama when they see symptoms like fever or anything. Like just a company, even just someone to talk to,” emosyonal na pahayag ni Jewel.

Sa ngayon, umaasa si Jewel na maayos at ligtas ang kaniyang dalawang anak sa kabila ng pangamba.