Matteo Guidicelli, ipinagluto si Sarah Geronimo

Muling ipinamalas ni Matteo Guidicelli ang kanyang galing sa kusina nang ipagluto ang kanyang asawang si Sarah Geronimo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

6/24/2020 11:51 AM
Matteo Guidicelli, ipinagluto si Sarah Geronimo


Photo credit: Matteo Guidicelli

Muling ipinamalas ni Matteo Guidicelli ang kanyang galing sa kusina nang ipagluto niya ang kanyang asawang si Sarah Geronimo. 

Sa kanyang vlog entry na “Kitchen Takeover” nitong Martes, nasulyapan ang aktor habang abala sa pagluluto para sa kanyang misis at iba pa nilang kaanak. 

Nakuhanan ang inihahandang pasta, pizza, baked tuna, at steamed shrimp and fish ni Matteo, na isang ring restaurateur o may-ari ng restaurant, para kay Sarah.

Sa ngayon ay nasa higit 22,000 na ang nakapanood ng nasabing vlog, na umani rin ng daang daang comments mula sa mga taga-hanga ng mag-asawa.

Ikinasal si Matteo at Sarah sa isang civil ceremony sa Taguig noong Pebrero matapos ang anim na taon bilang magkasintahan.