Kris Aquino, nagpapasalamat para sa kanyang new beginning

Kris Aquino, balik telebisyon na.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/1/2020 2:03 PM
Kris Aquino, nagpapasalamat para sa kanyang new beginning


Photo credit: @krisaquino IG

Sa teaser ng bagong programa sa telebisyon ni Kris Aquino na Love Life With Kris ay taus-puso niyang pinasalamatan ang kanyang loyal supporters at iba pang mga kaibigan na hindi siya iniwan sa panahong hindi na siya active bilang TV host.

“Thanks to all of you, I’m starting my new beginning,” sambit pa niya.

“Maraming nagsabi na this day will never arrive, after hearing that so many times, even I started to believe it, yet, nandito na ako.

“I got to know the real me, hinarap ko ang aking mga pagkakamali, tinanggap ko na maraming beses din akong nagkulang, natutunan kong iwanan ang kahapon, pinili kong patawarin ang sarili for being human to see myself as the victim for allowing myself to almost give up.

“So, I wipe my tears, kinaya kong maghintay, nagpakatatag ako, naghanda ako, because this is not the end of my story. Thanks to all of you, I’m starting my New Beginning,” patuloy niyang pahayag.

In less than eight hours after niyang i-upload ang teaser ng bagong TV show sa kanyang Instagram account ay meron na kaagad itong halos half a million views at 4,000 plus na comments. Ibig sabihin, marami pa rin talaga ang nag-aabang sa mga post ng Queen of All Media.

Maging ang Kapamilya star na si Kim Chiu ay nag-congratulate kay Kris.

 “Congrats ate, you deserve it!” pagbati ni Kim na sinagot naman ni Kris ng “Saan man ako mapunta - you’ll always be my PANGANAY.”

Binati rin si Kris ni Mariel Rodriguez. Wika nito, “Congratulations ate Kris” kasama ng maraming clapping emoji.

Maging si Angel Locsin ay masaya sa new beginning ni Kris, “Congratulations ate” na sinagot ni Kris ng “Thanks Gel.”

Ang dating head writer noon ni Kris sa ABS-CBN na si Darla Sauler ay nagpahatid din ng pagbati kay Kris.

“So happy for you Krissy! WELCOME BACK,” lahad niya.

Sagot naman ni Kris, “Hindi complete, kasi wala ka.”

Ang iba pang Kapamilya stars na nag-congratulate kay Kris ay sina Erich Gonzales, Anne Curtis, Iza Calzado, KC Concepcion at marami pang iba.