• Home
  • Fresh Scoops
  • JM De Guzman, nagpaabot ng tulong sa mga stranded na pasahero sa Pier

JM De Guzman, nagpaabot ng tulong sa mga stranded na pasahero sa Pier

Patuloy rin sa pagkalap ng donasyon si JM De Guzman para sa ibahagi sa mga nangangailangan.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

8/10/2020 9:37 AM
JM De Guzman, nagpaabot ng tulong sa mga stranded na pasahero sa Pier


Photo Credit: @1migueldeguzman Instagram

Bahagi ang aktor na si JM De Guzman ng isinagawang relief operations ng Philippine Coast Guard sa Manila North Harbor para sa mga kababayan nating biyahero na na-stranded kasabay ng ipinapatupad ngayon na MECQ (Modified Enhance Community Quarantine) sa Metro Manila.

Sa mga videos and pictures ni JM sa kaniyang Instagram, makikita ang pakikibahagi ng aktor sa pagtulong sa mga kababayang kailangan ng pagkain at matutulugan na kasalukuyan ngayong ipit sa Pier sa Maynila.

 

 

Post ng aktor, nakasaad rin ang patuloy na pangangalap nila ng donasyon para sa kakulangan na 50 hammocks o duyan na maaring gamitin na tulugan ng mga stranded na pasahero sa Pier.

Hindi ito ang unang beses na nagpaabot ng kaniyang tulong ang aktor. Sa katunayan, maka-ilang beses nang spotted ng netizens si JM sa pagpapabot ng tulong sa mga nangangailangan nitong nagdaang mga buwan dahil na rin sa krisis na hinaharap ng bansa sa COVID-19.

Sa ngayon, time-out muna sa trabaho si JM na huling napanood sa Kapamilya series na Pamilya Ko.