Ronnie Liang namigay ng libreng plane tickets sa mga LSIs

Pumunta si Ronnie Liang sa Rizal Stadium kung saan namamalagi ang mga LSIs para mamigay ng tulong.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

8/7/2020 1:01 PM
Ronnie Liang namigay ng libreng plane tickets sa mga LSIs


Non-stop ang ginagawang pagtulong ng singer na si Ronnie Liang sa mga indibidwal na naapektuhan ng pandemic dahil sa COVID-19. Bilang isang army reservist ay saksi si Ronnie sa matinding hirap na dinaranas ng mga kababayang hindi makauwi sa kanilang probinsya o tinatawag na locally stranded individuals (LSIs).

Noong July 29, ay binisita niya ang mga stranded kababayans sa Rizal Stadium and Army Gymnasium at namigay siya ng free plane tickets na labis na ikinatuwa ng mga nabiyayaan.

Kinantahan din niya ang mga frontliners para ma-boost ang morale ng mga ito.

As an army reservist and a concerned Filipino, gusto ko talagang makatulong. That’s really my purpose naman talaga kaya rin ako nag-join sa army—to help and serve people.

“Ito nga narinig natin ang balita tungkol sa mga kababayan natin na gustong umuwi sa probinsya kaya nagpaabot tayo ng free plane tickets,” pahayang ng singer-actor.

Ini-encourage din niya ang mga kapwa Pilipino to help, unite, and stand despite political differences.

This is the time for us na magtulungan. I know naman na malalampasan nating lahat ito basta may respeto sa isa’t isa. But personally, kaming nasa army ay patuloy na tutulong sa mga kababayan natin. 

Seeing our LSIs like that, it breaks my heart. And we have coronavirus pa to face as a nation. Doble-dobleng pagsubok kaya doble-doble rin ang ating pagtulong,” lahad pa niya.

Recently, the Viva artist recorded tribute song “Awit Kawal” dedicated to soldiers killed by Sulu cops. The song features soldiers’ service and dedication to nation.

Liang also invites anyone who aspires to be part of the army to join them.

He will resume shooting for his new movie Harang very soon. 

Samantala, excited din si Ronnie na ibalita ang tungkol sa bagong venture niya bilang entrepreneur. 

“Sabi nga nila, in the midst of chaos, there is also a good opportunity. Soon malalaman nila kung ano ang bago but it’s a wellness center business. Lalo na sa panahon ngayon, we need to really take care of ourselves. It’s important to have a healthy living. I want to build a business that will journey with people in attaining quality of life,” huling pahayag ni Ronnie.