• Home
  • Fresh Scoops
  • Bagong hobby ni Joshua Garcia, impluwensiya ni Julia Barretto?

Bagong hobby ni Joshua Garcia, impluwensiya ni Julia Barretto?

Bukod sa paglalaro ng video games, isa ngayong bagong hobby ang nakakagiliwan gawin ni Joshua Garcia.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

9/16/2020 8:10 PM
Bagong hobby ni Joshua Garcia, impluwensiya ni Julia Barretto?


Photo credit to @garciajoshuae & @juliabarretto on Instagram

Tulad nang marami, isa ngayon ang aktor na si Joshua Garcia sa mga humahanap rin nang pagkakaabalahan while staying at home.

Kuwento ni Joshua sa Cinema News at Home edition, isa sa naging paraan niya para maging productive ang pagbabasa ng libro.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Since 1997

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae) on

 

“Nagsimula ako magbasa-basa ng libro,” tugon ni Joshua sa panayam.

“Tinapos ko iyong about sa 'Broken,' poem siya. Natapos ko na rin Secret Life of Introverts. Natapos ko rin iyong The Creative Curve,” sabi pa niya.

Bilang isang reader, isa ngayon sa mga nakakahiligan ni Joshua ang mga non-fictional short themed books.

"Binabasa ko ngayon, mahilig kasi ako sa non-fiction. Before di ko alam difference ng fiction sa non-fiction. Mas interesting sa akin non-fiction. Binabasa ko ‘You're A Bad Ass,’” kuwento pa niya.

Dahil maraming oras ngayon at pansamantalang limitado ang trabaho, iba rin ang goal ngayon ni Joshua.

“Gino-goal ko ngayon sa isang araw para maging productive lang ako, at least maka-40-50 pages ako. Iyon ang goal ko,” sambit pa niya.

Para pa sa aktor, hindi lang rin ito basta hobby, aniya, paraan din niya para i-practice ang sariling vocabulary lalo pa at natigil siya sa pag-aral sa kaniyang pag-pasok sa showbiz.

"Pinapaalala ko sa sarili ko, hindi ako nag-aaral. Feeling ko pag nagbasa-basa ako, nakakatulong sa work ko, mga interview. Sa mga tamang pronunciation and vocabulary. Nakakatulong naman,” paliwanag ni Joshua.

Espesyal rin para kay Joshua ang pagbabasa niya ng libro, dito, inamin ni Joshua na isa ang ex na si Julia Barretto sa may malaking impluwensiya sa kaniyang pagbabasa ngayon.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Not a film camera. It’s just me.

A post shared by Joshua Garcia (@garciajoshuae) on

 

"Noong kami pa ni Julia dati, nagpupunta kami sa mga store ng libro, namimili ng mga libro. Pero di ko binabasa, bili lang ako nang bili. Paghilig sa pagbili ng libro, nakuha ko sa Nanay ko, iyong hindi pagbasa ng libro, sa Tatay ko,” masayang kuwento ni Joshua.

Patuloy pa ni Joshua: “Ang dami kong binili before. Kinuha ng Mama ko iyong iba. Iyong natira, kaunti na lang.”

Sa ngayon, patuloy na gumagawa ng kaniyang mga bagong paglilibangan ang aktor kabilang na dito ang pagsisimula ng kaniyang vlog.