• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Ivana Alawi, sinorpresa ang kanyang Kuya Hash ng bagong lupa

PANOORIN: Ivana Alawi, sinorpresa ang kanyang Kuya Hash ng bagong lupa

Bumuhos ang luha ng Kuya ni Ivana nang sorpresahin niya ito ng bagong lupa.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

9/16/2020 4:01 PM
PANOORIN: Ivana Alawi, sinorpresa ang kanyang Kuya Hash ng bagong lupa


Screenshot from Ivana Alawi Official YouTube Channel

Proud na ibinahagi ni Ivana Alawi sa kanyang bagong vlog na naibili niya na ng bagong lupa ang kanyang Kuya Hash.

Kwento ni Ivana, hindi mahilig ang kanyang Kuya sa mga materyal na bagay. Kaya naman naisipan niyang regaluhan ito ng sariling lupa na matatagpuan din sa subdividivision kung saan ipapatayo nila ang kanilang bagong bahay. 

 

 

“Goal ko kasi lahat kami nasa isang subdivision. Para sama-sama. Si brother, ayaw niya ng mga Rolex, ayaw ng mga bag, ayaw niya ng mga ganun. Simpleng tao lang siya eh,” ani Ivana. 

READ: Ivana Alawi, nag-topless upang ipagdiwang ang kanyang 8 million subscribers sa YouTube

Dagdag ni Ivana: “Ang tagal kong prinepare na bilhan na lang siya ng lupa niya. At least ito ‘di ba magagamit niya, pwede niya ipantayo sa magiging asawa niya at mga anak niya for the future. At least ito, hindi masasayang.” 

Buong akala ni Hash, bibisitahin lamang nila ang lupang pagtatayuan ng bahay nila. Ngunit ang hindi nito alam, bibigyan na siya ng bagong property. Nang iabot na ni Ivana ang titulo sa lupa sa kanyang Kuya, inakala nitong prank lang ang buong pangyayari. 

LOOK: Ivana Alawi turns up heat with new swimsuit photo

Saad ni Hash: “Why does it have my name? Is this a prank? No way. Are you pranking me?”

“You said you don't want stuff, so we decided to get you a land,” sagot ni Ivana. 

Hindi naman napigilan ni Hash na maiyak sa harapan ng kanyang ina at kapatid. 

"It's too much, Mariam [Ivana]. I can’t believe it.”  

Hindi naman napigilang ibahagi ng nanay ni Hash kung gaano siya ka-proud sa anak na si Ivana sa ginawa nito.

“Alam mo, I’m super proud of this young, beautiful lady here beside me,” ani ng Mama ni Ivana. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Si Hash ang panganay sa magkakapatid.